Part 1 - "I Believe In God"
Notes
Transcript
Introduction
Introduction
Kung tatanungin kita kung ano ang pinaniniwalaan mo tungkol sa nangyayaring pandemic ngayon, ano ang isasagot mo? “Naniniwala ako sa Covid.” “Ah, ako naniniwala ako na trangkaso lang ‘yan. Exaggerated lang ang mga balita.” “Naniniwala ako na may mga conspiracies tungkol diyan.” “Ah, ako basta magpray na lang tayo kahit ano pa ‘yan.” “Ah ako basta meron lang nagshare sa ‘kin na friend na video tungkol sa gamot daw sa Covid, naniniwala akong totoo nga.” Ang tanong: How do you know? Meron ka bang basehan? We depend a lot sa mga sinasabi ng iba for what we believe. Hindi natin pwedeng basta sabihing, “I know. I just know.” Kapag kumonsulta ka sa doctor, sinabi niyang, eto ang sakit mo, eto ang bibilin mong gamot, di ba naniniwala ka naman, gagawin mo naman kung ano ang sasabihin niya. Kasi, you believe in him. Hindi mo naman inaral lahat ng ebidensiya, pero dahil doctor siya naniwala ka. Ganun din sa history, hindi mo naman alam na nangyaring lahat yun, kasi wala ka naman dun. Pero naniniwala tayo dahil sa collective witness ng mga historians.
Paano pa kung usaping espirituwal o doktrinal ang pag-uusapan? Di ba’t mas malaki ang nakasalalay dun? Kapag tinanong kita, “Bilang isang Cristiano, ano ang pinaniniwalaan mo? Ano ang kaibahan niyan sa pinaniniwalaan ng iba? Ano ang basehan mo sa pinaniniwalaan mo?” ano ang isasagot mo? Paano mo ‘yan ipapaliwanag sa mga anak mo? Hindi mo pwedeng ipasa o iforward sa iba ang hindi mo naman pinaniniwalaan. At kung pinaniniwalaan mo man, pero dapat mo ring mas maintindihan. Hindi naman paramihan ng alam ang labanan dito. Hindi mo naman kailangang maraming alam. Basta alam mo lang yung mga iilang mga bagay na pinakamahalaga sa lahat. Dun lang magkakaroon ng saysay ang lahat kahit hindi mo pa naiintindihan ang lahat ng nangyayari.
Ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Christian worldview, at tamang pagkaunawa sa pananampalatayang Cristiano. At hindi natin kailangang mag-imbento ng kung ano ang paniniwalaan natin. Kaya nga gumagamit tayo at pinag-aaralan natin yung mga historical documents tulad Heidelberg Catechism (1563) sa online Bible studies natin at Sunday equipping classes. Ngayon ay nasa bahagi na tayo ng Catechism na tumatalakay sa mas ancient pa na document, yung The Apostles’ Creed, na siya namang pag-aaralan din natin in a series of sermons until the end of the year.
What is the Apostles’ Creed?
What is the Apostles’ Creed?
Kung lumaki ka sa Roman Catholic Church, malamang pamilyar ka na dito kasi madalas yun na nire-recite. Pero ang nakalulungkot, bihirang gamitin yun sa mga evangelical churches ngayon. Yung “catechism” ay isang paraan ng pagtuturo ng pananampalatayang Cristiano sa pamamagitan ng series of questions and answers. Pero yung “creed” ay isang maikling statement of belief. Galing ito sa salitang latin na credo, na siyang first line ng Apostles’ Creed, “I believe...” Meron pang ibang creeds tulad ng Nicene Creed at Athanasian Creed. Kapag sinabi namang “confessions” mas mahabang document na yun na may paliwanag ng statement of belief (parang yung “statement of faith” ng mga churches ngayon; at yung mga historical na Belgic Confession, Westminster Confession of Faith, London Baptist Confession of Faith).
Pero dun muna tayo sa pinaka-basic, pinaka-simple, at pinaka-ugat ng lahat ng ito, na siyang magandang summary din ng pananampalatayang Cristiano—The Apostles’ Creed. Maraming mga Christian leaders ang nagpapatotoo ng kahalagahan nito sa buhay Cristiano:
“If you are looking for a succinct summary of the essentials of the faith, there is no better starting point than the Apostles’ Creed.” — Kevin DeYoung
“This ancient confession of faith is Christianity. This is what Christians believe—what all Christians believe...This creed is a summary of what the Bible teaches, a narrative of God’s redemptive love, and a concise statement of basic Christianity. All Christians believe more than is contained in the Apostles’ Creed, but none can believe less.” — Albert Mohler
“The Apostles’ Creed is profound for its pure simplicity and its concise coverage of the major topics of Christian teaching. The Apostles’ Creed is the faith that all professing Christians should know, what all pastors and priests should teach, and what all bishops and theologians should defend.” — Michael Bird
“As the Lord’s Prayer is the Prayer of prayers, the Decalogue the Law of laws, so the Apostles’ Creed is the Creed of creeds. It contains all the fundamental articles of the Christian faith necessary to salvation, in the form of facts, in simple Scripture language, and in the most natural order—the order of revelation—from God and the creation down to the resurrection and life everlasting.” — Philip Schaff
Merong legend na itong 12 articles ng Apostles’ Creed ay isinulat ng 12 apostol. Pero hindi yun totoo. Ang totoo, itong present form ng Creed na gamit natin ngayon ay nabuo noong 8th century, pero yung mga naunang forms nito ay galing sa Old Roman Creed na ginagamit na ng mga sinaunang churches noong 3rd/4th century. Yung three-fold na “I believe…I believe…I believe...” ay ginagamit na baptismal formula na siyang kino-confess ng iba-baptize. Remember yung part ng Great Commission na “baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit” (Matt. 28:19)? Then, mula noon, hanggang sa greater part ng church history, ginagamit ito, mine-memorize, nire-recite sa worship, pinaniniwalaan at itinuturo sa iba. Maraming mga church fathers na tulad ni Augustine ang tine-treasure ito. Isang chapter ang inilaan ni John Calvin sa exposition nito sa early edition ng kanyang Institutes of the Christian Religion. Halos 1/4 ng Heidelberg Catechism ay pagtalakay ng Creed. Isang major section din ng Catechism of the Catholic Church ay tungkol dito.
So, I am convinced na mahalaga talaga for us as a church na paglaanan ito ng panahon. Na itong Creed na pinaniniwalaan ng lahat ng mga Cristiano sa buong mundo—meron man tayong malaking differences sa ibang mga sekta at denominations—ay dapat rin nating unawaing mabuti, panghawakan nang mahigpit, malinaw na maituro sa mga dinidisciple natin, at maibahagi sa mga hindi pa mananampalataya para masabi rin nila kasama natin, “I believe...”
Why Creeds and Not Just Bible?
Why Creeds and Not Just Bible?
Naniniwala tayo sa sola Scriptura, na ang Bibliya lang ang basehan o ultimate authority na pwedeng magsabi sa atin kung ano ang paniwalaan natin at sundin. Pero meron pa ring mahalagang role yung tinatawag ni J. V. Fesko na “biblically subordinated confessions” tulad ng Apostles’ Creed. At siyempre meron itong authority at makakatulong sa atin kung naka-align at nagre-reflect ng Word of God. At yun naman ang dahilan kung bakit ito tinawag na Apostles’ Creed, dahil ito ay apostolic o sumasalamin sa turo ng mga apostol. So kahit na hindi full expository yung mga sermons ko sa series na ‘to, we need time para ma-summarize into key topics yung apostolic teaching na ‘yan. Tulad ng early church, we must be “devoted…to the apostles’ teaching” (Acts 2:42). Ang church natin ay “household of God, built on the foundation of the apostles and prophets” (Eph. 2:19-20).
Aside from that, meron bang biblical basis kung bakit mahalaga itong mga creeds and confessions. Nagbigay si J. V. Fesko (The Need for Creeds Today) "biblical evidence to support the claim that confessions of faith are both biblical and necessary” (chap. 1), and “that God expects his people to take his authoritative revelation, reflect on and study it, restate it in their own words, and pass it down to future generations.”
Anu-anong biblical evidences yung binabanggit niya? Yung tungkol sa Passover celebration para alalahanin palagi yung ginawang pagliligtas ng Diyos sa Israel mula sa Egypt. Kapag nagtanong daw yung mga anak nila bakit nila ginagawa yun, anong sasabihin nila? “Sa hinaharap, kapag tinanong kayo ng anak ninyo kung bakit ninyo ito ginagawa, sabihin ninyo sa kanila, ‘Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, inilabas niya kami sa Egipto kung saan kami inalipin. Nang hindi pa kami pinapayagan ng Faraon na umalis, pinatay ng Panginoon ang lahat ng panganay na lalaki sa Egipto, maging tao o hayop. Ito ang dahilan kung bakit inihahandog namin sa Panginoon ang lahat ng panganay na lalaki ng aming mga hayop at tinutubos namin ang mga panganay naming lalaki’” (Exod. 13:14-15 ASD). Concern ang Diyos na hindi lang sila magkaroon ng mga meaningless rituals, dapat alam nila ibig sabihin nito. At hindi lang manatili sa mga magulang yung kuwento ng pagliligtas ng Diyos kundi maipasa sa mga anak nila, maipaliwanag ang ibig sabihin, maipakilala kung sino ang Diyos at kung ano ang ginawa niya—sa ibang salita, maturuan ng tamang doktrina at pananampalataya.
Makaraan ang 40 taon paglabas nila sa Egypt, papasok na sila sa Promised Land. Heto naman yung tinatawag na Shema (Hebrew for “hear”), heto ang pinaka-creed ng Israel, suma ng pananampalataya nila: “Hear, O Israel: The Lord our God, the Lord is one. You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your might. And these words that I command you today shall be on your heart” (Deut. 6:4-6). Narito ang buod kung sino ang Diyos nila, ang nag-iisang Diyos na si Yahweh at kung paanong dapat silang tumugon in love and obedience. Ang mga salitang ito ay dapat nilang isaulo, isapuso, at ituro sa kanilang mga anak. “Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan” (vv. 7-9 MBB).
Sa mga sulat naman ni Paul kina Timothy at Titus, madalas niyang ulitin yung phrase na ‘to: “The saying is trustworthy” (1 Tim. 1:15; 3:1; 4:7–9; 2 Tim. 2:11–13; Titus 3:4–8). Sa ASD, “Ito ang katotohanang dapat tanggapin at paniwalaan ng lahat.” Ayon kay J. V. Fesko, ito ay mga "objective restatements” ng mga itinuro ni Jesus tungkol sa sarili niya, na nakarecord sa Gospels, at pag-uulit din ng iba pang mga biblical teachings. Halimbawa, sa 1 Timothy 1:15, sabi ni Paul: “Ito ang katotohanang dapat tanggapin at paniwalaan ng lahat: naparito si Cristo Jesus sa mundo para iligtas ang mga makasalanan” (ASD). Sa 2 Timothy 2:11-13, “The saying is trustworthy, for: If we have died with him, we will also live with him; if we endure, we will also reign with him; if we deny him, he also will deny us; if we are faithless, he remains faithful—for he cannot deny himself.” May bilin din siya kay Timothy na sundan at ituro sa iba yung “pattern of sound words that you have heard from me” and “guard the good deposit entrusted to you” (2 Tim. 1:13). Meron kasing mandato ang church, bilang “household of God, which is the church of the living God, a pillar and buttress of the truth” na hindi lang paniwalaan ang gospel doctrine, kundi pangalagaan, bantayan at ikalat sa iba.
Malinaw na malinaw ang mandatong ito sa sulat ni Jude, “Beloved, although I was very eager to write to you about our common salvation, I found it necessary to write appealing to you to contend for the faith that was once for all delivered to the saints” (v. 3). To contend, ibig sabihin, may struggle, may pakikipaglaban. Marami kasi ang hindi naniniwala, marami kasi ang baluktot ang pagkakaintindi, marami kasi ang binabaluktot ang ebanghelyo. Yung “the faith” na ipaglalaban natin ay hindi yung personal, subjective na pananampalataya natin, kundi yung hindi nagbabagong nilalaman o objective truth na basehan ng pananampalataya natin—the gospel. “Once for all delivered”—hindi nagbabago, hindi dapat baguhin; ibinigay sa atin, dapat din nating ibigay sa iba.
Ito yung ilan sa mga biblical evidence na marapat lang na merong mahalagang role sa church life natin ang creeds and confessions. Yung iba kasi allergic sa mga creeds and confessions, sabi nila “no creed but the Bible.” Creedal statement din naman yung sabi nila! Kapag sinabing sola Scriptura, hindi ibig sabihin Bible lang, post ka lang, quote ka lang ng Bible verses. E kahit naman mga kulto ginagawa yun! Ang daming ganun din sa social media. Tulad ng ginagawa ko sa preaching, kailangan nating ipaliwanag kung ano ang sinasabi ng Bibliya, kailangang gumamit rin tayo ng sarili nating mga salita at salitang naiintindihan ng iba para maipasa sa iba at sa susunod na henerasyon ang pananampalatayang Cristiano.
Pag-aaralan natin ang Apostles’ Creed dahil ang layunin ko ay katulad ni Luke kay Theopilus, “that you may have certainty concerning the things you have been taught” (Luke 1:4). Para mas tumibay ang katiyakan n’yo sa pananampalataya. At para sa buong church, “until we all attain to the unity of the faith (pananampalatayang Cristiano na nakasaad sa Apostles’ Creed) and of the knowledge of the Son of God” (Eph. 4:13). Kasi nga, gusto natin siyang mas makilala pa at mas maging katulad niya, at maipakilala rin siya sa iba, at matulungan ang iba na sumunod sa kanya.
Why the Apostles’ Creed?
Why the Apostles’ Creed?
Ano ang maitutulong sa atin, o ano ang magiging pakinabang o benefit sa atin ng pag-aaral ng Apostles’ Creed? As we walk thru this ancient creed, I hope and pray na ganito ang mangyari sa atin, na gawin ng Diyos as a result of this study:
Matuturuan ka kung ano ang tamang doktrina na itinuturo ng Bibliya. Marami kasing gumagamit din ng Bible pero baluktot ang itinuturo. Kaya mahalaga ang orthodoxy o matuwid (ortho) o wastong doktrina. Nakapaloob dito sa Creed ang core doctrines ng gospel at mga essential foundations ng Christian faith tulad ng Trinity, virgin birth, at resurrection. Kapag alam mo ang sound doctrine, hindi ka basta-basta maliligaw at matatangay ng kung anu-anong maririnig mo ngayon, lalo na sa social media.
Masasanay ka kung paano malalaman at malalabanan ang maling doktrina. Ito naman ang tinatawag na heterodoxy o different doctrine. Na masanay ka kung paanong mali ang itinuturo ng mga “oneness” o unitarians tungkol sa Trinity, na mali ang itinuturo ni Manalo tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo. At hindi lang basta malaman kung ano ang mali, kundi paano maipagtatanggol ang tamang doktrina at maipapaliwanag sa mga kumokontra dito, that “God may perhaps grant them repentance leading to a knowledge of the truth” (2 Tim. 2:25).
Makokonekta ka sa pananampalataya ng mga nauna sa atin. Ang mga kabataan ngayon, pansinin mo, mahilig sa mga makabago, kung ano ang uso at trending. Kapag makaluma, tingin ng iba ay boring o irrelevant. That is a dangerous mindset. Kapag Christianity ang pag-uusapan, delikado kung ang aral na pinaniniwalaan natin ay “makabago” dahil ang message ng gospel ay isang “old, old story”—yun ang kailangan nating balik-balikan. At kailangan nating matutong mabuti sa buhay na pananampalataya ng mga namatay na at hindi sa patay na pananampalataya ng mga buhay pa (ayon kay Jaroslav Pelikan, The Emergence of the Catholic Tradition). It is prideful to say na hindi mo na kailangan ang aral na itinuro ng mga nauna sa atin. Ngayong mag-aanibersaryo na ang church, bagamat maganda namang i-celebrate, kaso minsan sobrang nagiging sentimental tayo dun. Wag nating kalimutan na ang church ay hindi nagsimula 35 years ago. Hindi rin 500 years ago sa panahon ng Reformation. Kundi sa panahon pa ng mga apostol. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. Mahalaga na naka-angkla tayo sa history.
Mararanasan mo kung ano ang tunay na pagkakaisang Cristiano. Oo, maraming mga sekta at denominations ngayon. Maraming pagkakaiba sa mga secondary o tertiary doctrines, o yung mga non-essentials. At may tendency tayo na magpangkat-pangkat, kanya-kanyang tribo o theological tribes. Totoo namang may mga differences, pero wag nating kakalimutan yung common bond natin as Christians—one body, one Spirit, one hope, one Lord, one faith, one baptism, one God and Father of all (Eph. 4:4-6). Yun ang tinatawag na “holy catholic church”—universal church. Hindi lang tayo ang “church” sa buong mundo at sa kasaysayan. Confessing the Creed will remind us of that.
Matutulungan kang kung paano basahin at pag-aralang mabuti ang Bibliya. Totoong ang doktrina natin ay dapat na nanggagaling sa tamang pag-aaral ng Bibliya. Pero sabi ni Michael Bird na kailangan din natin ng “tradition” na ibinibigay sa pamamagitan ng mga creeds para mas matutong basahin ang Bibliya. Dapat daw itong ituring na “biblically generated tradition” na may “consensus of the universal church about what the main teachings of the Christian faith are.” Kaya yung creeds ay nagiging guide sa pagbabasa ng Bibliya kasi sinasabi nito sa atin kung ano yung “contents and concerns of Scripture itself.” Ganun din sa pag-aaral ng Heidelberg Catechism, mapapansin mong mas maiintindihan mo yung mga teachings sa Bible kung pamilyar ka sa nakasulat sa Katekismo.
Mas titibay ang pananampalataya mo. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ko ituturo ito sa inyo. Bilang pastor ninyo, napakahalaga na maipaliwanag ko kung ano ang pinaniniwalaan natin at kung bakit ito ang pinaniniwalaan natin. Kaya nga wag kayong magrereact agad negatively kapag nainterview kayo ng mga elders at tinanong ang pinaniniwalaan mo sa Statement of Faith ng church. Mahalaga kasi yun! Gusto naming iparating sa inyo na yun ang pinakamahalaga sa atin sa church. Hindi yung feeling good lang tayo, hindi yung pa-good vibes lang, hindi yung magkaroon lang tayo ng magandang experience. Lalo pa ngayon, kailangan natin ng rock-solid truths para magsilbing pundasyon at angkla ng pananampalataya, pag-asa at katiyakan natin.
Faith: “I Believe in God”
Faith: “I Believe in God”
So, prayer ko na bawat isa sa atin ay magkaroon ng “faith” na hindi katulad ng “faith” na meron ang mundong ito. Sa pamamagitan ng pagbigkas natin sa Creed, sinasabi nating ito ang pinaniniwalaan natin at iba ito sa pinaniniwalaan ng mga hindi Cristiano. It is a statement of our identity and our allegiance. Ito ang pananampalatayang Cristiano. Kaya bago natin isa-isahin yung mga linya sa Creed simula sa susunod na Linggo, unahin muna natin linawin kung anong klaseng pananampalataya ang itinuturo nito sa atin, na makikita natin sa opening line: “I believe in God...” Common naman kasi yung “believe” and “faith” na words na ginagamit ng mga tao ngayon. So, ano ang kaibahan nito?
The Christian faith is based on true knowledge. Ang pananampalatayang ito ay may nilalaman, based on knowledge, based on truth. Hindi suntok sa buwan lang, hindi baka sakali lang, hindi yung wishful thinking lang, hindi yung fake news lang, hindi yung conspiracy theories lang. “I believe in God.” Merong Diyos. Siya ang katotohanan. At kung ano ang ipinahayag niya sa kanyang Salita ang dapat nating paniwalaan—tungkol sa kanya, tungkol sa atin, tungkol sa mundo, tungkol sa buhay, tungkol sa kaligtasan.
The Christian faith involves confident trust. Pero hindi lang ito basta intellectual belief. Pwede kasi na naniniwala ka dito pero ang pananampalataya mo ay para lang din tulad ng demonyo na naniniwala din naman sa Diyos (Jas. 2:19). Hindi lang basta, “I believe God,” but, “I believe in God.” Kaya salin sa Tagalog ay hindi, “Naniniwala ako...” kundi, “Sumasampalataya ako.” Merong trust, merong conviction, merong confidence, merong assurance. Gaya ng definition sa Hebrews 11:1, “Now faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen.” O ng sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 21, “What is true faith?”—“True faith is not only a knowledge and conviction that everything God reveals in His Word is true; it is also a deep-rooted assurance, created in me by the Holy Spirit through the gospel...” O ng sabi ni John Calvin, “A firm and certain knowledge of God’s goodwill to us, which, being founded on the free promise given in Jesus Christ, is revealed to our minds and sealed in our hearts by the Holy Spirit” (Institutes, Essentials Edition, 187).
The Christian faith is faith in a personal God. Theistic ang pananampalatayang Cristiano, hindi tulad ng mga atheists. At ang Diyos na ito ay hindi lang isang concept or idea lang na magandang pag-aralan. Totoong Diyos siya. Siya ang lumikha ng lahat. Patuloy siyang gumagawa para matupad ang layunin niya. Siya ang Tagapagligtas natin. The Lord is our salvation, kaya ‘yan ang title ng series natin.
The Christian faith is faith in a triune God. Meron din namang monotheistic na pananampalataya. Naniniwala rin ang Islam sa iisang Diyos. Hindi tulad ng polytheistic faith ng mga Hindus na napakaraming mga diyos ang pinaniniwalaan. Pero ang Christian faith lang ang trinitarian: isang Diyos, tatlong persona—Ama, Anak, Espiritu. Malinaw ‘yan sa Apostles’ Creed: I believe in God the Father…And in Jesus Christ…I believe in the Holy Spirit. Tulung-tulong ang tatlong persona sa pagpaplano, pagsasakatuparan, at paglalapat ng kaligtasan natin. We will explore the mystery of the Trinity as we go along.
The Christian faith is personal. “I believe...” Hindi mo pwedeng sabihin na “they believe” pero ikaw hindi ka naman pala naniniwala. Hindi ka pwedeng maging Cristiano dahil lang Cristiano ang mga parents mo o ang mga kasama mo sa church. Do you own this faith? Do you really believe this? Pinanghahawakan mo ba ang pangako ng Diyos ng kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo? Buhay mo ang nakasalalay dito. Your eternity is at stake here. Kung hindi ka naniniwala sa Apostles’ Creed, you are not a Christian.
The Christian faith is communal: Kapag sabay-sabay nating sinasabi na “I believe...”, yan ay nagiging “We believe.” Sabi ni Ben Myers, “In confessing the faith of the church, I allow my own individual ‘I’ to become part of the ‘I’ of the body of Christ.” Tayo ay nagiging isa habang nagkakaisa tayo sa pinaniniwalaan natin.
The Christian faith is doxological: Binibigkas natin ito ngayon sa konteksto ng sama-samang pagsamba natin sa Panginoon. Merong laman ang pagsamba natin, merong dahilan ang pagsamba natin, dahil ang Diyos ay karapat-dapat sa pagsamba natin as we worship in spirit and truth.
Hiwaga at Yaman ng Apostles’ Creed
Hiwaga at Yaman ng Apostles’ Creed
Sa paglalakbay natin sa Creed, inaanyayahan ko kayo na tuklasin natin nang sama-sama, na maranasan natin nang sama-sama yung hiwaga at yaman nito. Simple lang, madaling kabisaduhin ng bata at matanda. Pero may taglay na hiwaga o mystery. Hindi ito mauunawaan ng mga taong walang pananampalataya. “Wala pang taong nakakita, nakarinig, o nakaisip sa mga bagay na inihanda ng Dios para sa mga nagmamahal sa kanya. Ngunit ang mga bagay na itoʼy ipinahayag na sa atin ng Dios sa pamamagitan ng kanyang Espiritu” (1 Cor. 2:9-10 ASD). Maikli lang pero napakayaman sa mga aral na gustong ituro sa atin. Narito ang kabuuan ng doktrina ng drama ng Bibliya, the Story of God from creation to life everlasting.
Pwede mong sabihin as we go along, “Alam ko na ‘yan!” pero masasabi mo rin, “Ah, hindi ko pa pala naaarok ang tayog ng karunungan ng Diyos, hindi ko pa pala nasisisid ang pinaka-ilalim ng biyaya ng pagliligtas ng Diyos.” At masasabi mo tulad ni Pablo, “Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman” (Rom. 11:33 MBB)! Mamamangha ka sa Diyos. At habang namamangha ka, mas titibay ang pananampalataya mo. Dahil mapapagtanto mo na maglaho man o biguin ka man ng lahat ng kinakapitan mo sa mundong ito, hinding-hindi ka bibiguin ng Diyos. Dahil ang mga katotohanang nakapaloob dito ay hindi maglalaho. So, “let us hold fast the confession of our hope—na nakasulat dito sa Apostles’ Creed—without wavering, for he who promised is faithful” (Heb. 10:23).